When it comes to love, it’s not the question “Mahal mo ba talaga ako?” anymore.

hesezrawr:

Nowadays, you should ask nothing but the questions:

  • “Hanggang kailan mo ba ako mahal?”
  • “Kailan mo ako sasaktan at iiwan?”
  • “Gaano ba katagal ang kontrata mo saken? “
  • (Para naman mapaghandaan ko yung pag-iwan mo saken.)

It may sound so negative. But what’s good with being straight forward is that you can save yourself from any potential harm. 

Oo, pwedeng mahal na mahal na mahal  ka niya ngayon. Pwedeng totoong sincere siya sa nararamdaman niya. Pwedeng totoong pagmamahal nga iyon. Pwedeng lahat ng pangako niya ay paniwalaan mo. Pero pwede ding isang araw magising ka na lang na iba na pala yung taong kaharap mo.

Dahil nga “change is the only constant thing in this world” maaring magbago yung pagmamahal niya para sa iyo. Maaring madagdagan (sana ganito). Maaring mabawasan at maaring mawala na lang bigla. Kung nangyari yung pinaka hindi maganda sa tatlong nabanggit, ano pa ang sense ng pagtatanong mo sa kanya kung mahal ka ba talaga niya nung umpisa?

Minsan masama na pinagdududahan natin agad ang isang tao, pero minsan masasabi kong kahit papano okay lang din iyon. Katulad sa pagkakatong ito, mas mabuti na tinanong mo na habang maaga pa. Para maprotektahan mo yung sarili mo- yung puso mo.

12/13/11 at 8:12am